Our Legal Victory to End Harms of Muslim Ban: Read the news

Mga Asian American na Nagsusulong ng Katarungan - Asian Law Caucus

Nagbibigay kami ng kumpidensiyal na impormasyong legal, tulong at mga referral para sa mga miyembro ng komunidad na mababa ang kita upang makatulong na maunawaan ang inyong mga karapatan. Sa ibang mga kaso, nagbibigay rin kami ng libreng konsultasyong legal at representasyon sa mga miyembro ng komunidad sa mga bagay na tungkol sa imigrasyon, pabahay, karapatan ng mga manggagawa at mga karapatang sibil at konstitusyonal, kabilang ang hindi makatarungan na pagmamatyag, profiling at maling asal ng pulis. Para sa mga bagay na hindi namin kayang bigyan ng konsultasyon o representasyon, susubukan naming magbigay ng karampatang referral. Mag-scroll pababa para sa Q&A (Mga Tanong at Sagot) na may karagdagang mapagkukunan ng tulong sa mga isyu tulad ng pagpaplayas at deportasyon at harassment sa lugar ng trabaho.

Opisina: 55 Columbus Avenue, San Francisco, CA 94111
Telepono: (415) 896-1701

Pagpapalayas, Panliligalig, at Tulong sa Renta

Pagsubaybay, Pag-profile, at Mga Hadlang sa Imigrasyon

Nagkaroon ako ng interaksyon o nakatanggap ng mga tanong mula sa pulis, FBI, DHS, o iba pang ahente ng gobyerno. Ano ang aking mga karapatan?

Mayroon kaming mga libreng legal na klinika upang magbigay ng tulong sa pagtatanong, panliligalig, at pagsubaybay ng pamahalaan; mga problema kapag pumapasok sa U.S.; at mga problema sa pagsakay sa mga flight or sa eroplano. Upang makakuha l ng appointment, tumawag sa (415) 848-7714. Maari ka rin bumisita sa link na ito upang malaman ang iyong mga karapatan kung nakipag-ugnayan o pinahinto ka ng pulisya, mga ahente ng imigrasyon, o ng FBI.

Mga Karapatan ng Manggagawa

Ako ay nakakaranas ng a hindi nababayaran ng sahod, pagkawala ng trabaho, o maling pagpapaalis sa trabaho. Ano ang magagawa ko?

Nagbibigay kami ng mga libreng legal na konsultasyon sa mga manggagawang mababa ang kita sa buong California, kabilang ang mga manggagawa na walang dokumento at manggagawa na may limitadong kasanayan sa Ingles. Upang makakuhal ng appointment sa isang miyembro ng aming legal team, tumawag sa (415) 896-1701.

Nakakaranas ako ng diskriminasyon, panliligalig, paghihiganti, o mga alalahanin sa aking kalusugan at aking kaligtasan sa aking trabaho. Paano ako makakakuha ng tulong?

Nagbibigay kami ng mga libreng legal na konsultasyon sa mga manggagawang mababa ang kita sa buong California, kabilang ang mga manggagawa na walang dokumento at manggagawa na may limitadong kasanayan sa Ingles. Sa ilang limitadong kaso, nakakapagbigay kami ng legal na representasyon. Upang makakuha ng appointment sa isang miyembro ng aming legal teami, mangyaring tumawag sa (415) 896-1701.

Mga Karapatan ng Imigrante, Pagpapakulong, at Deportasyon

May kilala ako na naaresto ng ICE matapos magkaroon ng ugnayan sa local at pang estadodong taga pagpatupad ng batas o pulis. Paano ako makakakuha ng tulong?

Kung may naaresto ng ICE matapos magkaroon ng ugnayan sa pulis o matapos makalabas ng kulungan o preso, tumawag saamin sa numerong (415) 896-1701. Kung ikaw ay nakatira sa California, maaaring tumawag sa inyong rapid response hotline o lokal na linya ng telepono para sa mabilisang pagsagot.

Nakatira ako o nagtratrabaho sa San Francisco, at mayroon akong tanong tungkol sa imigrasyon. Ano ang maaari kong gawin?

Kung nakatira or nag tratrabaho ka sa San Francisco, tumawag sa (415) 896-1701 at ipaalam sa amin kung may mga dokumento kayong may kaugnayan sa inyong tanong. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mabigyan kayo ng konsultasyon, karagdagang mapagkukunan ng tulong o referral.

Maaari ninyo rin gamitin ang National Immigration Legal Services Directory (Talaan ng mga Pang Nasyonal na Seribisyong Legal para sa Imigrasyon) upang makahanap ng nonprofit o organisasyong tumutulong tungkol sa imigrasyon na malapit sa inyo.

Gusto kong makahanap ng tulong tungkol sa deportasyon para sa aking sarili o para sa aking kakilala. Ano ang dapat kong gawin?

Ang ALC ay nakatutok sa pagbigay ng representasyon para sa mga imigrante na nahaharap sa deportasyon dahil sa kriminal na paghatol. Sa kasamaang-palad, hindi kami madalas tumanggap ng mga kaso na may kinalaman sa asylum o proteksiyong binibigay sa taong lumikas mula sa kanyang bansa dahil sa politikal na persekusyon.

Kung maaari lamang ay tumawag sa (415) 896-1701 at ipaalam sa amin kung mayroon kayong mga dokumento na galing sa korte at/ o mga rekord ng hatol. Maaari rin ninyong gamitin ang National Immigration Legal Services Directory (Talaan ng mga Pang Nasyonal na Seribisyong Legal para sa Imigrasyon) upang makahanap ng nonprofit o organisasyong tumutulong tungkol sa imigrasyon na malapit sa inyo.

Ako ay napatunayang nagkasala at interesado akong mag-aplay para sa pardon (pagpapatawad ng gobernador) o commutation (mabawasan ang sentensya o parusa). Kayo ba ay makakaktulong sa akin?

Ang pardon ay magbabalik ng inyong mga karapatan, tulad ng abilidad na makakuha ng lisenyang pang propesyonal. Sa ibang mga kaso, ang pardon ay maaaring pumigil ng deportasyon. Ang mga taong kasalukuyang nakakulong dahil sa kriminal na paghatol ay maaaring mag petisyon sa Gobernador ng California upang mabawasan ang kanilang sentensya o parusa.

Kung maaari lamang ay tumawag sa (415) 896-1701 kung may mga tanong tungkol sa inyong pardon o aplikasyon para sa commutation.